Thursday, March 19, 2009 01:30 PM
kala ko wala ng rblogs... hahaha panic pako kagabi...
anyways, babakasyon na, ang pangit ng huling guhit ng bawat classcard na nakuha namin this sem... mas sinuwerte, mas minalas... pero hindi pa tapos ang aming pag hihinagpis dahil subalit datapwat nagugulumihanan pa kami sa huling classcard na ibibigay bukas... so, ang araw bukas ay tatawagin kong "fatal day" bakit? kasi maaring bumagsak kami o pumasa sa grade na ibibigay bukas... as in, tanggal sa college or tanggal sa university or, buhay pa kami... imposible...
first time kong nalagay sa ganitong sitwasyon... yung tipong make or break ang kaligayahan mo sa college... unti unting inuubos ang mga wildest dreams mo sa paglaki, este mga pangarap mo... alam kong abnormal ako dahil hiniling ko kay papa Jesus na sana gusto kong maranasan ang magkaroon ng grade na 5.00, wala lang feel ko hindi ko matatawag ang sarili kong survivor ng college pag wala yun... well, dumating naman ang araw na yun, sa math analysis 2 ko yun nakuha... pero binigyan kami ng chance makapagremovals... kasi napadasal ako ng wala sa oras ng malaman kong naka-5.00 nga ako sa math... sabi ko papa Jesus joke lang po, please gawin niyo ng tres ang grade ko, pramis di nako magjjoke... ayun, narinig nya naman ang aking paghuhumiglas na dasal... na inuusal ko habang nagreremovals :))) thank you Jesus :D
Ok, tres nga ako sa math, tres din ako sa logic... my goodness, ang aking favorite subject, na hinihiling kong maging subject ko buong college tsssss ang sipag ko kasing pumasok dun kaya ako nakatres :))) di ko masisisi ang prop ko kung ang tanging macocompute nya lang ay ang grade ko ng midterm exam at final exam... dahil sobrang sipag ko syang pasukan XD Pumasa naman ako sa accounting -.- kahit alam kong hindi namin kailangan ang p@#$%^&* subject na yon ay kailangan namin syang ipasa wtfwtfwtf samahan pa ng ibang prop na kung magbigay ng grade eh kala mo masipag din pumasok at magturo.. **bitter**?? wahahahaha
anyways, I believe we are the cause of our own misery, kaya malugod ko itong tinatanggap, kahit LABAG sa kalooban ko ang mga naging resulta ng aking mga grades ngayong sem :)))) bitter talaga... ayun buti na lang summer na,.... okay hindi pala mabuti... kasi may ojt, pano na ang mga pangarap kong tulog???? san ko yun makukuha T________T ang haba ng summer......... ayokong magsummer :(
hayyyy... ka-emo eh,.. tsk, ayoko na ng magulong usapan....
-.- sana maging maganda ang summer ko ngayon tssss
Wednesday, January 7, 2009 12:10 AM
Kanina (January 6) ang literal na unang araw kong nasilayan sa taong ito, ang pamantasan. Waw, may ganun? Haaaaaaaaaaaaay. Buong bakasyon akong nagpakatamad, tumunganga sa laptop, gumawa ng wala, magplurk buong araw, magtext, kumain, matulog, nanuod ng pirated dvds, naglinis (minsan lang), maglaro ng kung anu ano sa internet, lumabas ng bahay (para maarawan), at di ko man lang naisip gawin ang kahit isa sa mga takdang bahay (talaga naman). Kaya, nag new year akong pasan parin ang mga gawing, nagmumura sa loob ng aparador ko at nag-aaparisyon sa panaginip ko. So, in the end, wala akong choice. Ginawa ko ang mga assignments ko, as usual, rushed. Okay naman, parang gawaing highschool lang... XD
Unang araw sa eskwelahan... Late ako, kaya nagmamaganda akong tumakbo sa pasilyo ng gv building... Sa pagnanasang tamarin magklase ang mga prop, tumingin ako sa bawat klasrum na madadaanan ko, sinusulyapan ko kung masisipag na nga ba ang mga prop... at oo, lahat merong klase -.- Pero sa room namin, walang prop, yis! XD
Okay, late si sir, mainit ang ulo niya... -.- Madami daw pending na gawain... Oo tama, madami talagang gawain. Inuulit ko madami, hindi lang sa subject niya.... At oo nga pala, Midterms na next week T___T
So, panu ba yan? Balik toxic rantings? wahaha. Parang tulala lang akong nakayuko kanina habang dinidiscuss yung mga kailangan tapusin... Oo tulala ako, ganun din nung bakasyon... tinawag ang pangalan ko, inassign ako bilang taga manage ng.. nakalimutan ko kung anu yun, wala man lang permiso ko, basta tungkol yun sa seminar ek ek ng subject na yun. Tsk, ayoko ng responsibilidad, -.- anyways... Ok lang din... wahahaha madami daming iisipin, masaya. XD
Hay, sana maksurvive sa midterms -.-
Sunday, November 9, 2008 12:30 PM
Sa Subject nato una kong natikman ang 3.00 ng buhay ko. Mathematical Analysis I. Wala namang nakakahiya dun. Marami akong natutunan, kahit alam ko namang pag graduate ko hindi ko magagamit yan, diba? Ngayong sem nato Mathematical Analysis II naman. Goodluck. Feeling ko mas masarap tawanan kesa naman pagluksaan LOL XD just saying.
Thursday, November 6, 2008 11:20 AM
I'm sick, so? :]]
(sa mga nurse ng rblog: tama po ba yung binili kong gamot? ambroxol at amoxicillin. Meron akong ubo (ang tigas! sakit sa lalamunan) at inuuhog ako [eww] harhar. wala ang dakila kong ina sa bahay... kaya wala akong choice kung hindi magmarunong LOL XD thanks sa rereply! :])
First day. Walang prop. Joke! meron.
Err first week pa lang, parang bumabawi ang mga prop. Sobrang nababawi ang mga pagkakatamad namin nung first sem, kasagsagan na ng mga toxic na prop at major subjs :]] first week pa lang nagrarant na oh! LOOOOOL XD pero walang halong biro, ang daming KJ na prop sa PLM :]] bawal na daw mediocre (whatever! \\//\\//) dapat daw professional kung kumilos... :[ AYOKO nga!!! nagpapakasira na nga ng ulo mag-aral tas wala naring karapatan mag-unwind?? :]]] mas nakakarelax kung mas maraming jerking moments XD
Types of professors [PLM]:
1. Doctor. Oo, nagmasteral and all. Asahan mo ng marami syang requirements at maraming projects ekek... Hindi ko alam kung bakit kelangan kolektahin ang mga notes O.o duhh its so highschool (alam ko kelangan as reference at reviewer tuwing exams or whatever, pero kung iisipin mo, kanya kanyang estilo lang sa pag-aaral yan [TAMAD akong magnotes XD]) Akala ko ba doctor na sila? di ba nila yun naiisip? Super perfectionist. Sila din ang tipo ng mga prop na hindi umaabsent, pero nalalate. At oo nga pala, sa sobrang galing nila magturo, sila lang ang nakakaintindi ng mga sinasabi nila, walang halong biro. Madamot sa grade (kahit todo efforts ka pa, asahan mo na ang 2.25 ang highest). Malumanay lang sila magsalita, pramis, kaya nga hindi ko marinig eh. Teka pahabol, SILA ANG ISA SA MGA DAKILANG KJ. I'm bitter, I'm emo, I'm such a mediocre XD.
2. Engineer. Mga dakilang henyo. Oo math nerds sila, pero hindi lahat ay ganun. So oo nga math subjs (I hate math). Isa pa, I HATE MATH (Pero hindi pako nagbabasak ng math subj). Straight to the point kung magturo, malamang, dahil formulas and equations lang ang pwede nilang i-chikka (pero minsan may sadyang korni magjoke, wala kaming choice kungdi tumawa, baka mainsulto sya XD). So far, sila din ang mga laging ON TIME dumating sa klase (okay sarcastic yun, alam niyo na, call time 10am, dadating sila ng mga 12pm). Accuracy is the best policy, kung anung grade meron ka, yun na yun, in short walang patawad, bagsak kung bagsak.
3. Part time profs. Oh part time. Sobrang part time tuwing midterms at finals week lang nagpapakita. Kadalasan sila ay: Nagttrabaho sa umaga at gabi lang ang available time na magturo, or isang pastor, or cityhall official/employee. Masaya ang mga hinahawakan nilang course/blk/students dahil mataas silang magbigay ng grade (wala silang karapatang magbagsak/magbigay ng mababang grade dahil tamad silang pumasok, seryoso). Pero tuwing major exams kawawa ang mga estudyante, super SELF-STUDY. Anyways, lagi naman silang walang klase XD
4. Antique. Luma. Tumanda na sa pagtuturo. Inugat na (aw so mean :|). Maswerte ka kung isa sa kanila ang mga magiging prop mo sa PLM, marami kang matututunan, pero syempre sobrang terrorization muna ang pagdadaanan mo. Masaya dahil alam mo at damang dama mo kung ano ang essence ng college sa kanila. Kung anung meron sa pagtuturo ng PLM dati, yun parin ang matitikman mo (warning, mahlig silang magpaulan ng 3.00 at 5.00 pero minsan mabait INC lang :]]).
5. Bagong prop. Minsan mo lang yan mararanasan, kasi next year luma na sila LOL. Mga tipong HINDI PWEDENG MAMBAGSAK. Gustong gusto ng mga estudyante. Bagong prop means batang prop, mas nakakarelate sa mga estudyante, parang tropa lang. May joke time sa klase. Bagong rason para maging tamad, at abusuhin (tsk tsk kawawang prop). Gusto nila sa kanila lang ang atensyon mo. Pag bago mas mahigpit, kungwari. Habang tumatagal ang sem lumuluwag, sobrang luwag (wag mo ng pasukan). Isa itong biyaya sa mga iskong katulad namin.
6. Dean. one word, discipline. Walang pinagkaiba sa mga doctor.
7. Toxic. Lahat ng college meron nito. Alam ko namang walang estudyanteng hindi nagkakameron ng ganito. Kung wala ka pang na-eencounter na ganito, siguro hindi ka pa college student o baka hindi university ang napasukan mo. Sila ang mga nakakapanindig ng balahibong prop. Lahat ng pananakot meron. Pero in the end mga mababait (hindi nga?). Kinds of toxic props: BAKLA, MATANDANG DALAGA/BINATA, EMO/MOODY, FREAK. Ayan, self-explanatory XD Lahat yan may moodswings tapos ang estudyante kapag nakaranas ng mga yan :]]]]]
Hayyy. Alam ko namang hindi palaging ganyan ang mga prop. They're just instruments to make our lives (students) miserable LOL XD but full of zest. Aja! sana maging maganda ang sem nato para sa lahat ng estudyanteng kagaya ko.
Hayyy. Sipon. :]] IMY bloggers.
Thursday, October 30, 2008 08:59 PM
Ehem. I'm now officially enrolled. Yis. :]]
Basta mahaba ang pila.
Yey! wala akong pasok tuwing thursday... hehe, tuwing thursday lang :]]
Maaga akong natapos, at nakuha ko agad ang mga kelngan ko... So, punta na agad kami sa SM (kasama si barney) para bumili ng kelangan kong bilhin hehe... tapos tambay sa booksale at nbs... may nakita akong libro... "Diary ni ella" (wtf) :]] gusto kong bilhin dahil feeling ko limited edition lang sya, pero hinde. Eh kasi naman galing din yun sa blog niya. Oh diba? coooool. Mga bloggers na nagpaprint ng entry nila at ginawang book. Hehe pero hindi mismong blog entries nila, pero sila mismo yung author. May isa pakong nakita "Memoirs of KLITORIKA" (ftw) lols hanep sa mga title ng book... Nakita ko na dito sa net yung mga blog nila... ang coooool :] So, panu yan? Gagawa narin ba ng blogbook ang mga taga-rakista? LOL joking... Marami pakong nakitang blogbooks dun, kaso syempre, yung dalawang yun ang nakatawag ng aking atensyon haha... Yung una, Diary ni ella: CONFESSIONS NG ISANG MASAHISTA... ayan, diba? Nakakawindang. Feel kong basahin. :]]] Tas yung isa naman Memoirs of KLITORIKA.. okay ayan pretty self explanatory LOL tsk.... Pasensya na kung feeling niyo medyo bastos, pero hindi ko mapigilang mapatawa sa mga titles nila hehe...
(si panda[hanapin niyo] at kaibigan kong si barney :] )
LOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOL
Parang nag-aadvertise lang ng libro. Waha. Bili kayo ng libro ko. :]] hehe
Yung mga nagbabalak bumili ng LAHAT ng libro ni STEPHENIE MEYER, LOL I mean yung Twilight, New Moon, Eclipse, Breaking Dawn or The Host. Set=2789php. Wala trip ko lang ilagay yung price dito. :]]]
Tuesday, October 21, 2008 10:05 AM
Friends. How pathetic life can get without them around you?
I got may of them... But it doesn't mean that my life can never be on the supreme side of life of what you called selfless shit. Anyways, that's not the point. :]]
I mean there are these super good times and super bad times. And the situation last night I think goes to the second one. Errr. I'm not good in cheering up thing, because I suck at it big time. Though I want to show my empathy for them... But I was too happy... And the only thing I can do is talk to them, I can't help them... :( I just wish they all pass the f*cking removals... I'm going to school to show moral support :) (nice haha! parang parents lang)
HAVE A NICE DAY PEOPLE.
GOD BLESS US ALL.
Saturday, October 11, 2008 01:17 PM
^_^ Today is Saturday, a fresh Saturday. Last night after the nerve wrecking defence for our major subject, we slept. This is the first heavenly sleep we had since the start of the week. We took power naps and all to survive the finals :]]] Yet, our professors were never satisfied seeing us like murdered tomatoes slumping in the corridor of our building, wasted, rewriting never-ending flowcharts (I hate writing), endless moodswings, comsci issues and lots MORE :D The finals are so not over. We still have a lot of things that needs to be done. :]] that needs LOL. More projects to come :]]] And the worst memory of having a defence.
Blog layout. I changed my layout because I just felt the urge to do so, and because I'm bored. I just posted an entry for the sake of updating my life :]]]] LOL.
The smell of sembreak sucks.
I can smell failure.
Bye for now.
Friday, October 3, 2008 11:26 PM
"Sino ang lider ng hukbalahap dito?"
- baklang prop.
**Excuse me, its HUKBALABAK.
Hukbong bangag laban sa bakla!,
WE hate you!** ~ CS.
'Cause we had a bad day...
hayyy.
Wala na kaming nasabi kungdi...
"bring it on! MORE! MORE! MORE!"
Bagong definition ng CS:
"teenage masochists"
How absurd.
Parang napakaganda ng kantang:
"Wake me up, when september ends.."
:]] shet. finals na! hindi ko man lang napasiin.
Busy ako.
Nagpapakaadik.
Samahan pa ng globe.
Ang galing galing.
Walang signal ang sim ko.
Yey! Humanda ka globe.
Malapit na ang sembreak.
Moodswings is a fad.
Are you one of us?
Tangina. Mawawala ulit ako sa blogsphere.
Magpapakalunod muna sa syntax.
Magpapakalunod. Magpapakalunod.
Napakalungkot. Wala akong magagawa.
Makasurvive ka kaya?
Tayo? Sana...
ILY.
Wednesday, September 10, 2008 03:00 PM
How I wish... Sana wala na lang pasok mamaya... Haha! Nagiging dakilang tamad nanaman ako! or kung pwede tamarin naman sana yung hinayupak naming propesor LOL XD Luging lugi kame... Pag public univ walang harabas na nambabagsak ang mga prop pag di ka trip... tsk! alam mo yun? kahit anung effort kung di ka niya trip ipasa then, pakamatay ka na lang.. haha! Motto ng mga PK: "Hindi namin kayo kawalan... mapapadali pa ang buhay namin kung mababawasan kayo.." Oo nga naman, bukod sa yung ibang prop eh nagttrabaho lang dahil trip nila (meaning mga nagdodonate ng panahon magturo ng walang bayad) madali lang magbagsak, pero alam mo yun, walang justice, hindi makatarungan! errr... haha! Sana ng Law na lang ako -___- ipagtatanggol ko ang sambayanang plm :]]] joke!
Infairness sa mga bagong batch, dumadami ang mga hindi npermanenteng propessor, yung mga tipong walang pakelam sa estudyante... papasok lang pag malapit na ang departamental exams, tas ang swerte ng mga estudyante puro mga uno ang grade (oo bitter ako). Kamalas ng batch namin... lahat ng terror na prop bago mag retire naabutan pa namin, ayun lagas lagas muna kame... last batch na grumaduate eh 15 students lang ata, if I'm not mistaken... nagdrop ang mga hindi na kayang makasurvive... nag start din sila as 60+ students tas habang nag iincrement yung year nababwasan sila.... Hindi naman mahirap ang comsci ah? hindi mahirap sabihin... But you know what? Wala talagang salita makakasuffice kung panong torture ang meron sa kurso nato... Tragical, ayoko man gamitin ang term na yun pero cguro... ewan... argh...
Nagyon ko lang naiintindihan... Nung nasa highschool stage pa lang ako ng buhay ko, nalululngkot ako pag walang pasok,... for a simple reason na walang baon at hindi ko makikita ang mga kaibigan at school crush ko :]]] at ang mga college students naman nagdidiwang, dahil nakansela ang defense/project deadline submissions and all that craziness that ever existed in a tragic life of being an intellect... hayyy...
Naaalala ko tuloy yung sinabe ng isa naming prop "Alam niyo class, hindi naman talaga kailangan ang college sa buhay, eh ano naman kung college grad ka? Sigurado bang may trabaho kang naayon sa kurso mo pag grumaduate ka? sa ibang bansa basta highschool grad ka pwede ka nang magtrabaho... college are for high intellect people... pero hindi lahat ng natututunan mo sa college eh matututunan mo sa tuany na buhay, there are pros and cons..." Sabi ko na lang... Ok... pero may point naman sya... na sa sayo na talaga yun kung anung balak mong gawin sa buhay mo...
Ayoko pa ng reality.
But then again, kasama sa buhay yun....
hayyyyyy............
Ang lakas ng ulan, please! suspend niyo na ang klase T___T
Tuesday, September 9, 2008 03:50 AM
Y____Y May bago nanamang dagdag stress ang mga estudyante... Ang pagsulong sa Baha, at paghintay sa punuang jeep pauwi ng bahay... (grabehan yung ulan kagabe, nabasa ka na, nagmumura pa yung mga ugat mo kakahintay sa jeep na sasakyan mo pauwi, kasabay mo rin ang mga taong hindi mo na nanaising makita pa ulit buong buhay mo DX)
Tsk. Ano na lang ang natitira samin?? Natapos ang mahabang araw na hindi ko alam kung nagamit ko ba ng tama ang oras ko... Pati oras sa sarili nauubusan ako... hayyy... walang hanggang moodswings, pasensya na sa mga taong natatarayan ko, well sana mabasa niyo to... parte na ng pang araw araw kong buhay ang mag karoon ng *bipolar moments, tsss oo na, bipolar na. Mentally, Okay pa naman ako, kinakaya. Physically, kakayanin... Ang hirap mag alaga ng katawan >.< ayoko na ulit maospital errr...
Tedious nights of coding, yan ang buhay ng mga abnormal na katulad ko. Puro nights, sa umaga bangag, nagkakape para matulog este magising. Recently, bisyo ko ang series of naps >.< hindi yan power naps, talagang nagiging antukin nako. Ubernayts, di maiiwasan, kapag may ibinigay na gawain ang mga p!@#$%^&* naming prop, sana may bahay na lang kaming mga magkakagrupo. So, blogging, hobbit (hobby + habit). Buti na lang may mga tao pang nakikipag-usap saken dito (wala feeling emo lang). Pumunta ng Sm, para gumaan ang buhay :D Yan ang cycle ng buhay ko, sa ngayon. (Okay, di pa kasama dyan, ang pakikipagtsismisan sa mga kaklase, miting miting ng mga orgs, bonding kay miming, kwek kwek moments, mga pang aasar ko sa kapatid ko :]], internet lurking, stalking haha! food trips at emoments LOL)
Sige, babawasan ko muna nasa agenda ko.
Have a nice Tuesday! :)
Goodmorning ^_^