Sa tinagal tagal ko ng hindi nagbblog, muntik ko ng makalimutan ang password ko dito. Asan ba ko? :)) Kahit nung bakasyon parang nagbakasyon din ako, ni walang updates sa mga kabangagan, mga kasiyahan, mga kalungkutan :)) emo naman nun. Anyways, naisipan ko ulit magblog.
Ngayong week ko lang narealize na enrolled na pala ako sa 1st sem bilang 4th yr student. So, kailangan ko pa talagang ibagsak ang dalawang quiz, masabihan ng may tatlo na akong absent at masabihang hindi ako ggradweyt :)) waw nagising ako dun ah. Pero bakit ganun? kung kelan naman patapos na, parang ayoko ng tapusin ang kurso ko. Pero ang totoo nyan, naging busy kami sa ibang pinapagawa ng iba naming prof. I mean hindi nakaprioritize yung iba. Ang gulo. Ang daming thesis. Nalilito ako. Apat na beses na kaming nareject ng thesis partner ko sa ipinasa naming thesis "title" TITLE palang ha! -.- merong background of the study, syempre statement of the problem, at mga achuchuchung sakit sa ulo. At hindi pa yan. May thesis din sa pag gawa ng system ng isang company, eh kaso walang pa kaming company na nakukumbinsi, sino nga naman ang magtitiwala samin? adik naman ng sem nato.
Oo. Nagbalik ako para magreklamo! :)) Minsan nalulungkot ako dahil ayokong pakinggan ang sarili kong nagrereklamo... at least ngayon mababasa ko na lang XD
Kahit ultimong plurk binabastos nako dahil hindi ako nag-uupdate... makikita mo na lang isang maliit na arrow kadikit ng karma mo at nagsasabing "Karma down ka! bleh!" ang sarap sirain ng laptop. :))) Buti na lang may facebook! wahahaha may barnbuddy, petsoc, resto city, mafiawars, vamp wars etc XD kaya pag bumagsak ako ngayong sem, kasalanan ng facebook! wahahahahahaha!
teka panuorin nyo muna tong mga pang umagang videos:
kahapon lang ako bumalik sa pag iinternet.. at nakakagulat din dahil may nakakamis pala sayo kahit papano :)) salamat haha. Namis ko ding magbloghop, at makiusi..
maaga din akong umalis ng bahay para pumunta sa ospital at magpafollow up check up sa doctor ko.. Maaga kong narating ang ospital daihl walang trapik, naglrt kasi ako, wala din masyadong tao dahil 10am palang nasa ospital na agad ako. Hindi agad ako nakapunta sa kwarto ng doktor ko, dahil nakalimutan ko na kung saan yun. Mahirap maligaw sa kakaibang pasikot sikot na pasilyo ng MMC (Manila Medical Center), oo naligaw talaga ako. Kaya minabuti ko naring pumunta sa Admitting office, at tinuro agad ako sa room 303. Kumuha ako ng referral at pinapunta ako sa room 317, ayun room 317 pala! :)) Pagkarating ko sa pasilyo ng 317, nabasa ko ang lab letter ni doc para sa kanyang mga pasyente. Hindi sya darating. Nakakalungkot man, syempre di ko na pinilit maging masaya, hinintay ko parin ang secretary niya para ibigay ang LOA ko, at para sabihing babalik na lamang ako. Ngunit, subalit, datapwat, gayunpaman sa halos dalawang oras ng aking paghihintay ay walang dumating na secretary sa kwartong yun. Naisipan ko na lamang na pumuntang Sm manila para kumai ng lunch dahil 12pm na. Mahaba ang nilakad ko kahit alam kong pwede naman akong sumakay ng jeep... wala lang, drama ng paglalakad na yun :))
Narating ko ang SM, muli. At pinasok ko agad ang nbs (national bookstore). Maraming tao. Pumunta agad ako dun sa section ni jessica zafra, pero ibang libro ang nakita ko. KAPITAN SINO ni bob ong, may bago pala syang libro, akalain mo yun. Nag-ikot pako para maghanap ng librong, hindi ko naman alam kung ano. Nakakita din ako ng magazine, Contemporary ART ba yun? ang sarap titigagan ng cover, siguro maganda din ang luob. Pati yung BLUPrint. Pero hindi ako fine arts student or archi. Gusto ko lang. Dumami na ang tao, kaya pumunta ako sa mas konti, sa booksale. Nag-iba na din ang ayos ng mga libro dito. At kung naghahanap kayo ng collection ng "the survivor" na pocketbooks kumpleto ang series nito, nakakalat. At nakakainis dahil puro yun na lang ang nakita ko dun. Haaay, parang namimis ko ang taong kasama kong kumakalkal sa mga libro ng booksale. At naisipan ko ng kumain dahil kumalam na ang sikmura ko. Pizza! :) Lumabas na agad ako ng mall at pumunta sa pinag ojthan ko para kumuha ng certificate. Pero wala yung boss, malas. Ang dami kong lakad na ginawa, napagod lang ako :)) pero okay lang.
Narealize kong mas madali akong mapagod ngayon, wala kasi sa maynila ang palagi kong kasama, walang nagpapangiti sakin kapag nilipad ang payong ko, kapag natalsikan ako ng putik sa damit, kapag sinita ako ng guard at wala akong id, at kapag lumusong sa baha ng mag isa. I miss you :(
The life before I had was just full of bliss that lest known I’d be feeling things that suddenly squeezed the zest of which I have been slacking on every day, ‘twas to live, life. I can feel that I’m fading into something I was not expecting it to be. I just felt it. I don’t want to face the feeling, because on the first place it was not as what I wanted. But I can’t even find what song would speak this shit.
I think people get tired of something but it’s not because they suddenly realize that it was not what they really wanted, but they have been devastated. Weary. I’d found no reasons to be tired but then, I did. I was thinking hard. But it’s like forcing the heart to integrate or differentiate like my mind used to in analyzing mathematical problems, it was rather not, really not the same thing. I was not attaining any pattern or any simplified explanations. In fact, I’m confused. If I would have to infinity as my answer, I’d be not satisfied. So as to returned into zero. I feel like I’m not ready or something that I want to regain what something that I lost. Or did I?
I was not blogging for the past few days because I was getting more devastated (word of the day) of myself.
I’d listen to the songs I used to hear whenever I’m feeling weary. But the songs can’t suffice what I wanted to feel. I want to feel better, or I don’t know. Everyday I’d reminisce what I was before, I was so joyful, I was happy, even if I’m having a bad day, or even a very bad one. I was very positive in a way that nobody can take any of it from me. I’d likely to share it to people who are very dear to me. But then again, I was devastated. I’d come to a realization that I was not getting any happier. I can’t find the reasons why. Suddenly I don’t feel any positive glimpse of yesterday.
Before, I was really happy. But now, I find it hard to convince that I am.
Parang isang linggong walang internet, pero okay lang :))
Pagbalik mo para kang may H1N1 virus, walang kahit isa ang gustong kumausap sayo XD Well kasi naman, aga ko nagol, wala pang gustong magising, gusto lang matulog... Good morning!!! I miss you blog!!!
Walang pagbabago sa opis, ganun padin, boring :))) paulit ulit na nga silang nanunuod ng porn ni hayden, eh mas boring yun -.- hindi rin ako makapaniwala na pati yung boss na babae ay nanunuod din, okay lang, baka kailangan lang talaga niya >:) Ako naman, nalaro ko na lahat ng larong nakainstall dito sa laptop ko, buti na lang may red alert T_T
Nakakaloko din minsan yung mga balitang naririnig ko, kagabi lumabas ako para bumili ng makakain, narinig ko pang pinag uusapang mawawalan daw ng pasok ng isang buong buwan ng june, bakit? Dahil daw sa H1N1 v. Isang buwan??? watda eff eh di ibig sabihn summer vacation na may pasok pa kami? O.o o hibang lang sila? ------ :)))) hindi ko nga alam kung maganda o panget o fallacy ang narinig ko XD.
Ayoko pang pumasok!!! Gusto ko pa ng bakasyon!!! T___________________T hindi pako nakakabawi ng tulog eh, gusto ko ng tulooooooooooooooooog T___________________T malapit ng enrollment, malapit nanaman ang semester na puno ng puyat, pagod, at sakit ng ulo :( ayoko pang mag-enroll!!!!! Ayoko pang pumasok!!! :((( -.- buti pa sa opis, byahe lang ang stress mo. Eh sa skul? shiet. Nakakatamad, kung kelan isang taon na lang. -.- haaayyy
Napakadaming ko pang dapat gawin, shiet bago, busy ako. LOL XD
wahahaha! have a nice day! :)
ciao!
Nahipan ako ng mainit na hangin, gusto kong magblog :)
mahigit dalawang linggo nung sinulat ko yung last entry ko... masaya ako diba? tapos biglang nabura ang lahat, lahat ng inaakala kong maganda... hello world! :)) Araw araw na kaming (mga ojt) na-aaward (napapagalitan)... bakit nga naman?
ganito kasi yan:
may isang instance, na "naingayan" yung admin sa isa naming kaOJT. Siya ay si ojt1 (lima lang kaming ojt). Si ojt1, babae, ay laking baseco at tagaPUP. mdalas kaming magbiruan at magtawanan sa loob ng opisina, pero dahil din naman yun sa mga empleyadong nagpapatawa... in short pakikisama lang. Unang award ay napunta kina ojt2 at ojt3. Pareho silang tagaLYCEUM. at ito naman ay dahil sa "dresscode". pumasok kasi syang naka spaghetti strap pero meron naman syang baong sweater, hindi niya lang agad naipatong, bakit nagalit? kasi po sina ojt2 at ojt3 ay "gifted" at dahil dun lumuwa ang mata ng mga oldies na lalaki :)) 2nd award napunta kay ojt1. simula nun, laging maraming nanliisik na mata ag nakabantay sa kilos namin. at ang pinakamasaklap na bagong rule: "Bawal tumawa", pero pakatapos nilang sabihin yun, agad akong natawa XD pero hindi ako nangiinsulto, dahil lang sa ayaw nila kaming mag-ingay, bawal ng tumawa wtf :)) dumating pa sa point na kailangan kami (oo, ako at si ojt1, nagkataong kami lang yung pumasok) pagalitan sa harap ng maraming empleyado. Ok na sana yun, pero yung pagbantaan pa niya kami na ibabagsak nya daw kami, naginit talaga tenga ko at umusok ang ilong ko sa galit. :))) kasalanan ba naming hindi sila masaya sa ginagawa nila at kami ang pagbuntunan XD
so, anung ginagawa namin?
hmm. 8am-11pm -- wala kang maririnig na kahit anung ingay mula sa part naming mga ojt, pati narin ang mga nadamay na employee samin. pag patak ng lunch break, magsisimula na kaming makumpol kumpol, at balik sa dati, nagtatawanan. XD tigas eh no! sila sila (mga employee na kumakampi samin) din naman nag-aasaran pati yung admin XD 1pm-3pm --- parang mga santo ulit, pag oras na ng break time, lalakasan na ulit ang mga soundtrip at halakhakan nanaman... hindi kaya kami maMEMOhan neto? :)))
seriously, kulang sa sex mga tao dun.:333
what I mean is, they deprive themselves sa mga gusto nilang gawin, whatever.
we understand that we have to act corporately, pero yung ginawa nila, personalan na lang :))
Akalain mo nga namang naligaw ulit ako dito sa rblog :))) pakibatukan nga ako dahil hindi ako nag-uupdate **iwas** XD
Ah, dahil may ojt ako, kahit alam kong hindi valid tong dahilan ko, hindi mawawala ang isang malaking dahilan na ako'y dakilang tamad, at mas ginugusto ko pang makiusi sa istorya ng iba, kahit hindi ako nagkokoment :))) Binisita ko ang aking mga blogs at nakita kong may mga naligaw pala sa links na nailagay ko dito, maraming salamat sa mga nakabasa nun ;)
Anu nga bang ginagawa ko sa opisina?
Ganito lang:
8am-9am -- Parating palang ako nyan. Lagi akong late. Hindi pa ako nakakarating sa opisina ng alas otso impunto. Dahil yan sa butihin kong ina. Oo! lagi akong late dahil sa kanya... :))) dahil gusto niya akong sabayan sa pag alis ng bahay, yun nga lang 15mins lang andun na sya sa opis niya, ako 1hr ang byahe lugi ako lagi akong late! mama mia! :)))
9am-10am -- Gagawin ko ang naiwan kong trabaho. Magtatayp ako. Maglalabas ng skyflakes. At magkukunwaring busy. XD Pag dating ng 10am dadating yung ate na nagpapaorder ng lunch.
10am-11am -- Magkukunwaring busy :))) Sa totoo lang nakakatamad magtayp kapag hindi bukal sa loob mo ang tinatayp mo... lalo na't hindi ako nagpprogram :|
11am-1:30pm -- LUNCH BREAK. YOSI BREAK. Basta BREAK. Ang haba no? Pagtapos ko kumain kungdi ako naglalaro kausap ko lang si panda :)))) ang sarap :)))) pwede ring matulog kasi pinapatay nung big boss ang ilaw.... pag lunch kasabay mo ding kakain ang boss mo, yun ang nagpapatagal ng pesteng lunch ko eh. Yung boss. Eh pano ka ba naman kakain eh puro tanong ang isinusubo sayo, at pagkatapos tuwing susubo ka ang titig nya parang sya pa yung nagugutom XD anu ba yan boss! XD
3pm-4pm -- BREAK TIME. Oo, merienda time yan :)))) Kasama mo boss mo dun sa patio, magyosi kayo hanggang gusto niyo, unang matigok talo! XD Kadalasang nagyoyosi lang ang mga tao ng ganitong oras... Kungdi naman ay naglalandian. Landian? Uso yun. XD
4pm-5pm -- Hihintayin na lang namin ang alas singko. Ang siste? BOOKWORM ADVENTURES. XD
Ang sarap nambuhay! XD
Oh alas singko na agad? ayaw ko pa umuwi laro pa tayong BOOKWORM! XD
Naglakad ako para maiba ang lugar na nakikita ko, hindi ang apat na sulok ng kwarto, hindi ang magugulong papel, mga nakasabit na damit at laptop... Kahit hindi sariwa ang hangin, okay lang... Habang naglalakd ako, nakita kong may summer clinic ang milo ng taekwondo dun malapit sa lugar na pinaglakaran ko, sa villamor.... Naalala ko lang bigla ang 'taekwondo days ko' :)
Dati bida kid ako, lahat ng maisipan kong gawin nagagawa ko, kasi gusto ko, at sa di malamang kadahilan kung ako ba talaga ay may ADHD or Normal ko nato :)) (parang parehas lang yun ah?! XD) Naalala ko yung mga araw na uuwi akong may dislocated joints at pasa sa katawan :D kakasipa at kakalaro... Wala lang, sa di rin malaman na kadahilanan, namimis ko yun... yung mga pilay ko, mga pasa LOL XD Namimis ko si japoy :))) kahit lagi ko syang nakikita sa commercial ng milo sa tv hahaha!
Ayun... Japoy nababasa mo ba to hah? XD
Anyways... Have a nice week ahead ;)
bukas naman ay friday na...
alam naman natin yn :)))
anyways... gusto ko pumunta ng probinsya.. gusto ko lang makita kung totoo bang naglilipana ang mga witch doctors sa field at nag oorasyon... para sa kanikanilang mga kagamitan at anting anting.. haha... ang layo lang kasi :| parang lisensya lang yung mga mahiwagang "tubig" nila.. nirerenew tuwing byernes santo... haha.. kwento lang sakin dati ng nanay ko... bakit niya alam? yun aalamin ko pa lang... wahahaha baka sakaling may maituro sya sakin.. ^_^
blogs (bye) <- plurk haha
sa sat sa cavite na para maligo dahil bukas daw walang maliligo -.- wala nanamang liguan... hayy okay lang wahahahaha
hayyy. hanggang dito na lang siguro to. wala nang makakaalam...
mabuti rin palang marami kang blog. pwede mong piliin kung saan dito ang lalagayan mo ng sense. o kaya naman ay lalabasan mo ng sama ng loob :))) anyhoots... its holy wednesday... I love you! :))) just in case.
I've just finished watching pookwang series on youtube :))) at kahit super korni ng mga ibang jokes tinatawanan ko pa din... para kasing wala akong ganun kabonding dito sa bahay... I mean masasabi kong ako lang ang natitirang may sense of humor dito XD joke! nakakasakay pa naman sila sakin, buti naman, kung hindi baka nakatambay na lang ako sa moa at nagbibilang ng malalaking bato :)))
Sa wakas at may bagong dvd na sa bahay... Hindi nako gumgising na si riddick at lupin the third ang ikinabubuhay ko XD buti na lang at naisipan ng tatay kong bumili kahapon dahil lumabas sya ng lungga namin... yehey! ok mamarathon ako mamaya kung anu man yun... hanggat may natitira pakong "vacant time" ngayong bakasyon, ay susulitin ko na... ngayon ko nararamdaman ang importansya ng oras kahit buong araw lang akong nakahiga o kaya naman ay naglalaptop XD Konti na lang ang weee hours ko puro boo hours na ang susunod -.- ayoko pa...
Tinignan ko ang ym... online ang crush ko! wahahaha si al!
wala lang,... kahit na bored na bored nako sa buhay ko may certainties pa di na pampabuhay ng araw ko... Mag smile sa buhay, mag coke araw araw! XD totoo... may coccaine ata yung coke.. nagiging hyper ako kahit kakagising ko lang... warning... wag lalaklak ng coke... nakakaadik XD